BBM6 Si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng tawagan si Israeli President Isaad Herzog para magpasalamat.

PBBM sa Israel: Salamat sa maayos na alaga sa mga OFW

Chona Yu Oct 17, 2024
97 Views

NAGPASALAMAT si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Israel dahil sa maayos na pangangalaga sa mga Filipino na nagtatrabaho sa kanilang bansa.

Ipinaabot ni Pangulong Marcos ang pasasalamat kay Israeli President Isaad Herzog sa pamamagitan ng tawag sa telepono.

“I wish to express our gratitude to Israel for the care and support extended to Filipinos working and living in your country. Israel’s swift assistance in ensuring their safety, especially during these challenging times, means a great deal to us,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Umaasa si Pangulong Marcos na lalakas pa ang partnership ng dalawang bansa sa mga susunod na araw.

“Israel remains one of our trusted bilateral partners in the Middle East region, with a historic friendship that predates the establishment of the Israeli state,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“We remain hopeful for a swift path to peace, and together, may we continue to build on the strong bonds between our nations,” dagdag ng Pangulo.

Nasa 30,000 Filipino ang nasa Israel.