Calendar
PBBM sa mga mamamahayag: Panatilihin integridad sa gitna ng bagong teknolohiya
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong’ Marcos Jr. ang mga mamahayag sa bansa na panatilihin ang integridad habang naghahanap ng mga paraan sa paghahanap sa katotohanan sa gitna ng makabagong teknolohiya.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa iika-50 anibersaryo ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) na ginanap sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, sinabi nito na kaisa ang administrasyon sa paninindigan sa katotohanan.
“Together, let us foster responsible journalism for we know that more than a democratic ideal, it is a necessity for an informed and empowered citizenry to make the proper, intelligent, well-informed decisions about their leaders, about their situation, about their condition,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“As we mark this golden milestone, I urge you to keep pushing the boundaries of what it means to be a journalist. Innovate. Adapt. But never compromise your principles,” dagdag ng Pangulo.
Giit ni Pangulong Marcos, kaisa ang administrasyon sa media sa paglaban sa pekeng impormasyon lalot ang social media platforms ang naging bagong battlefields kung saan ang kinokontrol ng troll farms ang opinyon ng publiko.
“The relentless pressures of the digital age have added layers of complexity in ensuring press freedom,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“So, I call on every Filipino: Do not just fight. Lead the change. Verify, question, [and] hold the line. We have a duty to protect the sanctity of facts, not just as citizens but as guardians of our shared reality,” dagdag ni Pangulong Marcos.