Guo

PBBM sa mga nagpalitrato kay Guo: We are the selfie capital of the world

Chona Yu Sep 6, 2024
23 Views

BAHAGI na ng bagong kultura sa Pilipinas ang selfie.

Pahayag ito ni Pangulong Marcos matapos umano ng batikos ang pagpapakuha ng litrato na nakangiti sina Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police Chief Rommel Francisco Marbil kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Indonesia.

Ayon kay Pangulong Marcos, wala naman siyang nakikitang mali sa naturang litrato.

“I think that is part of the new culture now na nagpapakuha lagi ng kahit ano kasi ipopost nila— ‘tingnan mo, oh, kasama ako sa team na umaresto sa ganyan, ganyan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Ang tawag natin sa Pilipinas we are the Selfie Capital of the World, ‘di ba? ‘Di nag-selfie. Hndi mo naman mapigilan ang tao na ngumiti. So they just had a selfie. I don’t think there’s much more to it than that— nagpa-selfie sila” dagdag ni Pangulong Marcos..

Hindi nagustuhan ng publiko ang pagpapakuha ng litrato nina Abalos at Marbil kay Guo lalo’t pugante sa batas ang dating alkalde dahil sa pagkakaugnay nito sa illegal na operasyon ng Phippine Offshore Gaming Operator.

Naaresto si Guo ng Indonesian authorities at sinundo nina Abalos at Marbil para harapin ang mga kaso sa Pilipinas.