BBM1

PBBM: Satellite data gamitin sa agrikultura, negosyo, proteksyon sa kalikasan

236 Views

NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magamit ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang mga datos na nakokolekta ng satellite para agrikultura, negosyo, at pagbibigay ng proteksyon sa kalikasan.

“The reason we are signing an MOU (Memorandum of Understanding) with the Space Council is so that we can do mapping because… as I was explaining to you earlier, in terms of green, in terms of bio assets, there is now a way to quantify your nice fisheries, your agricultural activity,” ani Marcos sa pagpupulong ng Philippine Space Council (PSC) na isinagawa sa Philippine Space Agency (PhilSA) conference room ng CyberOne Building, Eastwood, Quezon City.

Ang Pangulo ang chairperson ng PSC.

“All of that. It is in terms of how much carbon you’re putting out into the air. But the beginning, the first step of that, will be to map,” sabi pa ni Marcos.

Ayon sa Pangulo dapat mapakinabangan ng husto ng Space Council ang pakikipagkasundo nito sa iba’t ibang ahensya sa mundo upang makakuha ng datos na kailangan at mapakikinabangan sa bansa.

Inirekomenda naman ng PhilSA ang pagkakaroon ng taunang pagdiriwang ng National Space Week or Pambansang Linggo ng Kalawakan mula Agosto 8 hanggang 14 upang mapalawig ang kaalaman ng publiko tungkol sa kalawakan.