BBM1

PBBM sinabing ‘encouraging’ nakuhang magandang rating sa SWS

182 Views

IKINATUWA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nakuha nitong mataas na rating sa survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan lumabas na nasisiyahan ang nakararaming Pilipino sa kanyang pamamalakad.

“I don’t really look at surveys kasi… But it’s always encouraging to know that naunawaan ng tao ‘yung aming ginagawa,” sabi ni Pangulong Marcos. “So we will just keep going and keep everybody informed kung ano’ yung aming ginagawa.”

Sa survey na isinagawa mula Disyembre 10-14, 2022, 75 porsyento ang nagsabi na sila ay nasisiyahan sa pagganap sa tungkulin ni Pangulong Marcos at 7 porsyento ang nagsabi na sila ay hindi nasisiyahan.

Undecided naman ang 18 porsyento ng mga tinanong.

Ang nakuhang rating ng Pangulo ay tumaas kumpara sa 71 porsyento na nakuha nito sa survey noong Oktobre 2022. Sa naturang panahon ang hindi nasisiyahan ay 8 porsyento.

Sa survey noong Disyembre 2022, pinakamataas ang nakuhang net rating (nasisiyahan minus hindi nasisiyahan) Pangulo sa Mindanao (72 porsyento), iba pang bahagi ng Luzon (68 porsyento), Visayas (67 porsyento) at Metro Manila (65 porsyento).

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondent.