BBM1

PBBM sinaksihan pirmahan ng 35 PH-Japan key investment deals

219 Views

SINAKSIHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglagda sa mga Letters of Intent (LOI) para sa pamumuhunan at mga kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at mga kompanyang nakabase sa Japan.

Sa kanyang talumpati, nagpasalamat si Pangulong Marcos sa mga opisyal ng mga kompanya na nais na palawakin ang kanilang negosyo sa Pilipinas.

“The government of the Philippines has been working to deepen the confidence in the Philippines of foreign investors and companies,” ani Pangulong Marcos.

Sinabi ng Pangulo na gumagawa ng hakbang ang kanyang administrasyon upang makapagpatupad ng mga kinakailangang reporma para matulungan ang mga negosyante.

“And it is our hope that companies such as yours will not only find the Philippines to be an attractive investment destination, we are designing our efforts to encourage you to stay and find our country to be a place where your businesses will thrive,” sabi ng Pangulo.

Ang mga pinirmahang LOI ay sa sektor ng manufacturing, infrastructure development, energy, transportasyon, pangangalaga ng kalusugan, renewable energy, at iba pa.

Ang paglagda ng mga LOI ay nangyari isang araw matapos ang unang bilateral meeting sa pagitan ni Pangulong Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Prime Minister’s Office sa Tokyo.