BBM2

PBBM: SONA magiging simple

192 Views

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magiging simple ang paparating na State of the Nation Address (SONA).

“It’s really very simple. It’s just a performance report for Filipinos to see – sa dami ng mga pronouncements, sa dami ng mga salita, kung ito ba ay talagang may kabuluhan o salita lamang,” ani Pangulong Marcos na namahagi ng government assistance sa Pampanga.

Sinabi ng Pangulo na iuulat nito sa taunbayan ang mga programa at proyekto na kanyang nabanggit sa kanyang nagdaang mga talumpati at kung ano na ang mga nagawa rito at mga kailangan pang gawin.

Nais umanong sabihin ng Pangulo sa taumbayan ang naging progreso ng bansa kung papaano ito tinitignan ng international community.

“That’s what I want to explain to the people that we have made significant progress. We can see the difference now not only in terms of how the system works, how the government works,” dagdag pa ng Pangulo. “It is also in how we are now seen or judged in the international community. That’s equally important.”

Gaganapin ang SONA sa Hulyo 24.

Patuloy naman ang ginagawang paghahanda rito ng Kamara de Representantes at iba pang ahensya ng gobyerno.