Enverga

PBBM, Speaker Romualdez pinuri ng mga lider ng Kamara sa mga hakbang upang bumaba presyo ng bigas

140 Views

PINURI ng mga lider ng Kamara de Representantes sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa kanilang mga hakbang upang mapababa ang presyo ng bigas hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa global market.

Ayon kay Quezon 1st District Rep. Mark Enverga, chairman ng House Committee on Agriculture and Food, ang desisyon ni Pangulong Marcos na magpatupad ng price ceiling at ang pagsasagawa ng inspeksyon ni Speaker Romualdez sa mga warehouse ng bigas ay nakatulong upang humupa ang presyo ng bigas.

“President Marcos and Speaker Romualdez have showcased exemplary leadership and visionary strategies in tackling the intricate matter of rice pricing. Their decisive actions, notably the implementation of a price ceiling on rice, have been instrumental in upholding stability in this vital commodity, even amidst the turbulent tides of the global market,” ani Enverga, stalwart ng Nationalist People’s Coalition (NPC).

Kapansin-pansin umano ang pagbaba ng presyo ng bigas sa Vietnam matapos na magkansela ng order ang mga trader dahil sa ipinapataw na price ceiling sa Pilipinas.

Ang presyo umano ng 5% broken rice ng Vietnam ay bumaba ng 2.3 porsyento at naging $628 kada tonelada mula sa Setyembre 5 hanggang 7. Ito umano ang naging pinakamalaking pagbaba sa presyo mula ng ipagbawal ng India ang pag-export ng non-basmati white rice.

“Recognizing the importance of rice as a staple food for the Filipino population, President Marcos and Speaker Romualdez took decisive action to mitigate rising rice prices. The decision to impose a price ceiling was a well-calculated move aimed at protecting the interests of consumers and Filipino rice farmers alike,” sabi ni Enverga.

Sinabi naman ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, na ang pagpapatupad ng price ceiling ay tila gumising sa mga negosyante sa kanilang ginagawang pagtataas ng presyo.

“The cap ended the rice price spike. It is now clear that soaring cost of the grain is artificial, driven by market speculation and rice traders driven by greed. Now, we have to manage our rice inventory better to avoid fueling the speculation here and in the global rice market,” sabi ni Salceda.

Ang pangako umano nina Pangulong Marcos at Speaker Romualdez na tugunan ang pangangailangan ng publiko ay makikita sa kanilang mga hakbang na pababain ang presyo ng mga bilihin para maibsan ang paghihirap ng nakararaming Pilipino.

“The global market shift following their intervention is a testament to their ability to navigate complex economic landscapes. It highlights the Philippines’ capacity to influence and contribute positively to international food markets,” dagdag pa ni Salceda.

Nauna rito ay iniugnay ni Speaker Romualdez ang pagbaba ng presyo ng bigas sa pandaigdigang merkado matapos na ilabas ng Malacañang ang Executive Order (EO) No. 39 na nagpapatupad ng ceiling price sa bigas.

Ayon sa datos ng US-based Markets Insider ang world market price ng bigas ay bumaba ng 21 porsyento o mula $384 kada metriko tonelada noong Hulyo ay naging $332.4 na lamang ngayong buwan.

Sinabi ni Speaker Romualdez, lider ng 311 miyembro ng Kamara na maraming negosyante ang nagkansela ng kanilang mga order bunsod ng price ceiling kaya nabawasan ang demand na nagresulta sa pagbaba ng presyo nito.

Muli ring iginiit ni Speaker Romualdez ang ginawang pagpapataw ng price ceiling ng Malacañang na hindi umano maitatanggi na naging epekto laban sa mga hoarder at price manipulator.