Rodriguez

PBBM, Speaker Romualdez pinuri sa pagpapatibay ng US-PH partnership

159 Views

PINURI ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sina Pangulong Ferdinand R. Marcos at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa kanilang masigasig upang mas mapatibay ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.

“We likewise welcome the assurances of President Biden and President Marcos that diplomatic and economic ties between the Philippines and the US would be further strengthened, and that the US would continue to assist the Philippines, especially in the area of defense and security,” sabi ni Rodriguez.

Ayon sa mambabatas malaki ang naitulong ni Speaker Romualdez sa pagpapatibay ng relasyon ng dalawang bansa.

“Our Speaker is a big help to our President, who obviously relies on him,” sabi ni Rodriguez.

Pumunta si Speaker Romualdez sa Amerika noong nakaraang buwan upang ilatag ang preparasyon para sa opisyal na pagbisita ng Pangulo roon.

Kasama rin ni Marcos si Speaker Romualdez sa mga pagpupulong na pinuntahan nito maging sa White House kung saan kanilang nakausap si US President Joe Biden.

Tiniyak ng mga opisyal ng Amerika na dedepensahan nito ang Pilipinas sakaling atakehin ng ibang bansa alinsunod sa nakasaad sa 1951 Mutual Defense Treaty.

Tinuligsa ni Rodriguez ang China dahil sa ginagawa umano nitong pambubully sa mga sasakyang pangdagat ng Pilipinas at mga mangingisdang Pilipino sa loob ng exclusive economic zone ng bansa.