BBM2

PBBM: Submarine cable solusyon s problema sa suplay ng kuryente sa Occidental Mindoro

Chona Yu Apr 23, 2024
137 Views

MAY ginagawa ng solusyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para matugunan ang problema sa suplay ng kuryente sa Occidental Mindoro.

Sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa Occidental Mindoro, sinabi nito na may itinatayo ng submarine cable sa lugar para maikonekta ang Mindoro sa grid.

“Pero sa Mindoro, both Oriental and Occidental, ang long-term solution is iyong submarine cable para makabit na sa grid dahil iyon ang problema dito hindi pa nakakabit sa grid. Naglalagay na tayo ng submarine cable para dito specifically sa Mindoro para ang mga ibang lugar naman na meron silang excess capacity, hindi nagagamit sayang. So iyon ang pwede nating paglipat-lipat kung saan ang pangangailangan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Una rito, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines na nasa red at yellow alert ang ilang lugar sa bansa dahil sa mataas na demand ng kuryente.

Pero ayon kay Pangulong Marcos, unti-unti nang maayos ang problema.

“Dahan-dahan naman bumabalik so ang power supply natin ay sapat naman. Nagkaka-red and yellow lang tayo na alert pero sa kasalukuyan nakikita natin na dahan-dahan bumabalik sa normal ‘yan. Naayos na natin yung mga naging problema, ‘yung technical problem ng mga planta, at marami nang nakikita ko sa news e baka meron daw pag-sabotahe. Pinag-aralan din namin wala naman, mabigat lang talaga ang load, hindi kinaya at tsaka nagka-technical problem. May piyesa na kailangan palitan, yung ang ginagawa ngayon binabalik ng dahan-dahan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pinakamabilis aniya na solusyon sa suplay ng kuryente ang paggamit ng solar.

“Pero ang long-term solution dyan hindi lamang solar, kasama sa long-term solution solar, wind, hydro, geo lahat ng ating makuhanan ng power ay pinag-aaralan natin at pinapatibay natin ang sistema,” dagdag ni Pangulong Marcos.