BBM

PBBM suportado modernisasyon ng Air Force

174 Views

MULING nagpahayag ng suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa modernisasyon ng Philippine Air Force (PAF) at maging world-class ito.

Sa blessing ng dalawang bagong T129 ATAK helicopters sa Malacañang, nagpahayag ng pag-asa ang Pangulo na ang pagpapalakas ng kakayanan ng PAF ay magreresulta sa pagganda ng serbisyong ibinibigay nito sa bansa.

Nagpasalamat di si Marcos sa tulong ng gobyerno ng Turkiye at Turkish Aerospace Industries sa pagiging maaasahang partner ng bansa sa modernisasyon ng PAF.

Ang dalawang T129 ay bahagi ng $269 milyong government-to-government contract na pinirmahan ng Pilipinas at Turkiye noong Hulyo 2020.

Anim na helicopter ang binili ng Pilipinas sa Turkish Aerospace Industries at bahagi ito ng Horizon 2 ng AFP modernization program.