BBM1

PBBM suportado usapan patungo sa kapayapaan

189 Views

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga pag-uusap patungo sa kapayapaan.

At muli umanong uulitin ni Pangulong Marcos sa kanyang pagpupulong sa mga lider ng European Union sa Switzerland ang kanyang commitment para sa kapayapaan.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos itong matanong kung tatawagan ba nito si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

“I have no problem with talking to President Zelensky, especially now that mainit na ang giyera doon sa kanila. So of course, we are… again on the side of peace, and that remains the same,” sabi ng Pangulo.

“Any expressions of support that he might feel is needed, we are happy to provide it,” dagdag pa nito.

Kung magkakaroon umano ng pag-uusap sa pagitan ng Ukraine at Russia ay sila ang magdedesisyon nito.

“Should there be talks… between Ukraine and Russia, sila mag-uusap tungkol diyan. We support any effort towards peace, anything basta’t matigil ang patayan, matigil ang giyera,” sabi pa ng Pangulo.

“Tapos kung papaano nila gagawin, what will they do with the territories that have changed stance, et cetera, that is really clearly between the two countries,” wika pa nito.