Calendar

PBBM target 12-0 sweep sa senatorial election
TARGET ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na manalo ang lahat ng 12 kandidato ng administrasyon sa pagka-senador sa eleksyon sa Mayo 2025._____
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) Leaders’ Convergence Summit sa Manila.
“Ang nais naming maging resulta — siyempre ang lagi naming iniisip, dapat talaga sa unang-una, sa Senado 12-0 dapat, ‘yan ang habol natin,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Si Pangulong Marcos ang tumatayong chairman ng PFP.
“Palagay ko naman ay napili natin ang pinakamahusay, pinakamagagaling at pinakamatibay hindi lamang sa eleksyon kung hindi sa serbisyo publiko. Ganoon kataas ang quality ng miyembro at ng kandidato ng PFP, dapat… Basta kami sa leadership ng PFP sinasabi natin: hindi — walang dapat matalo dito sa ating mga kandidato dahil ‘yan ang pinakamagagaling,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Sabi ni Pangulong Marcos nasa pambato ng administrasyon ang pinakamagaling at pinaka-epektibong public servants.
“At asahan ninyo, the PFP is the strongest party in the country today,” pahayag ni Pangulong Marcos.