BBM2

PBBM tinanggap pagbibitiw ng 18 opisyal ng PNP na sabit sa droga

176 Views

INANUNSYO ng Malacañang na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbibitiw ng 18 Third-Level Officers ng Philippine National Police (PNP) na nasangkot umano sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot.

Ang pagtanggap sa pagbibitiw ng mga nasangkot na pulis ay batay umano sa rekomendasyon ng National Police Commission Ad Hoc Advisory Group na nag-nagsagawa ng imbestigasyon.

Umabot sa 953 Third Level Officers ang inimbestigahan ng Ad Hoc group kung saan 935 ang inirekomenda na huwag tanggapin ang inihaing pagbibitiw.

Ang 18 opisyal na tinanggap ang pagbibitiw ay sina:

1. PBGEN Remus Balingasa Medina O-10038

2. PBGEN Randy Quines Peralta O-05124

3. PBGEN Pablo Gacayan Labra II O-03734

4. PCOL Rogarth Bulalacao Campo O-08477

5. PCOL Rommel Javier Ochave O-08085

6. PCOL Rommel Allaga Velasco O-08084

7. PCOL Robin King Sarmiento O-03552

8. PCOL Fernando Reyes Ortega O-07478

9. PCOL Rex Ordoño Derilo O-10549

10. PCOL Julian Tesorero Olonan O-12395

11. PCOL Rolando Tapon Portera O-07520

12. PCOL Lawrence Bonifacio Cajipe O-12905

13. PCOL Dario Milagrosa Menor O-07757

14. PCOL Joel Kagayed Tampis O-08180

15. PCOL Michael Arcillas David O-07686

16. PCOL Igmedio Belonio Bernaldez O-12544

17. PCOL Rodolfo Calope Albotra Jr O-08061

18. PCOL Marvin Barba Sanchez O-08043

Magpapalabas si PNP Chief Benjamin Acorda Jr. ng utos para sa pagpapalit sa mga pinangalanang pulis.