BBM1

PBBM tiniyak housing assistance sa mga nasalanta ni Egay

Neil Louis Tayo Aug 1, 2023
203 Views

MAGBIBIGAY ng housing assistance ang Marcos administration sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong Egay.

Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. pinoproseso na ngayon ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang listahan ng mga pamilya na nasira ng bagyo ang bahay.

“Hinahanap naman namin para makapagbigay ng assistance lahat ng partially damaged ang bahay, mga totally damaged mas mahirap dahil talagang tatayuan pa natin sila ng bahay. That’s the problem now,” ani Pangulong Marcos.

“Sa mga nasiraan ng bahay – completely destroyed houses – mayroong emergency support na gagawin ang DHSUD, ang human settlements at mayroon ding gagawin ang NHA para magtulungan sila and mayroong assistance at magpapatayo rin ng bahay,” dagdag pa ng Pangulo.

Magbibigay umano ang gobyerno ng mga construction material para sa pagtatayo ng mga nasirang bahay.

Maraming residente ng Luzon ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center.