Calendar
PBBM tiniyak masusing pagbabantay sa Omicron subvariant XBB.1.5
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na masusing binabantayan ng gobyerno ang coronavirus Omicron subvariant XBB.1.5.
“So, we’re watching it. Of course, very closely. But so far, mukha naman maayos, mukha namang nama-manage natin,” ani Pangulong Marcos. “At, mukha naman kagaya ng mga bagong variant na mga pumapasok dito, na dumadating, nakaabang tayo. Binabantayan natin nang husto.”
Sa kasalukuyan ay wala pang naitatalang kaso ng Omicron subvariant XBB.1.5 na sinasabing mas mabilis na makahawa.
Ayon sa Pangulo masusi ring binabantayan ang mga occupancy rate ng mga ospital.
“Kasi I start to worry pagka ‘yung ospital ay hindi na kaya tanggapin ang pasyente dahil punong-puno na sila. Wala pa tayo roon,” paliwanag ng Pangulo. “What has happened, nag-increase ang occupancy rate ng mga ospital dahil ‘yung hindi nagpa-ospital ng dalawang taon, ngayon pumupunta sa ospital. It’s not for COVID, it’s for other things.”
Nauna rito ay pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa mga health protocol gaya ng tamang pagsusuot ng face masks at social distancing, at magpabakuna laban sa COVID-19.