Calendar

PBBM tiniyak: Ugnayan ng PH, Czech Republic palalawakin pa
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palalakasin at palalawakin pa ang ugnayan ng Pilipinas at Czech republic sa usapin sa ekonomiya, defense at diplomatic ties.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa courtesy call Czech Defense Minister Jana Černochová sa Palasyo ng Malakanyang.
“I am very optimistic for the future in terms of our relationship with each other in all things, on the people-to-people side, on the economic side, the defense and security, the diplomatic and the government-to-government,” pahayag ni Pangulong Marcos kay Černochová.
“So, I think that really there is much that we can do together, and there are many areas that we still need to explore,” dagdag ng Pangulo.
Nagpasalamat din si Pangulong Marcos sa pagbisita ni Černochová.
Nasa 7,000 na Filipino ang nagtatrabaho sa Czech Republic kung saan karamihan ay nasa industriya ng processing, automotive, repairs and appliances, manufacturing, IT communications, real estate, health/wellness, at household service work.