Calendar

PBBM tiwala sa kakayanan ng OIC ng DOH, DND
KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kakayanan ng mga itinalaga nitong officer-in-charge sa Department of Health (DOH), at Department of National Defense (DND). Ayon kay Marcos maganda ang ipinapakitang trabaho ni Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na siyang OIC ng DOH.
βWala, we just go to the process. Wala pa kaming DOH. Wala pa kaming nino-nominate. Usec. Vergeire is doing a fine job. Kasi we are still not out of the pandemic. So we have to continue to be careful,β ani Marcos.
Wala pa ring itinalagang kalihim ng Department of Agriculture (DA) si Marcos na siyang namumuno ngayon sa ahensya.
βSa DA, sa DND, no, I thinkβ¦ Happy ako with the situation as it is now. Weβll see. These things are revisited, especially every year at the end of the first year. I donβt think thatβs a secret to anyone that at the end of the first year, βyung mga ibang kandidato, they will now join the mix of possible nominees,β sabi ng Pangulo.
Si Senior Undersecretary Jose Faustino ang kasalukuyang OIC ng DND.