PBBM tutok sa pagtatayo ng healthcare centers

321 Views

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tinututukan ng kanyang administrasyon ang pagtatayo ng mga bagong healthcare facility upang maitaas ang kalidad ng panggagamot sa bansa.

“I will be reporting to the nation on the progress that we have made in establishing and opening new healthcare centers around the country, but that is the product of our relentless push for universal healthcare and we will not stop until every Filipino can say they have good access to quality healthcare,” ani Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa Multi-Specialty Medical Center sa Pampanga.

“I cannot endure the sight of seeing a fellow Filipino suffer only because of the lack of facilities in our health system,” sabi pa ng Pangulo.

Nanawagan din ang Pangulo sa publiko na maging bahagi ng solusyon sa pagtugon sa mga problema ng bansa at maghanap ng mga makabagong alternatibo na makatutulong sa mga kapwa Pilipino.

Ayon pa sa Pangulo maraming natutunang aral sa COVID-19 pandemic.

“I cannot forget and the reason healthcare has been such an important part of this administration, not only because of the experience that we have had in the pandemic in the last two, three years; but also with the guiding understanding and idea that any person no matter how successful they are in whatever field they have been cannot enjoy the success if they do not also enjoy good health,” dagdag pa ng Pangulo.