BBM1

PBBM umamin, inayawan na maging bahagi ng MIF

168 Views

INAMIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na inayawan nito ang panukala na maging bahagi ng Maharlika Investment Fund dahil naniniwala ito na mga competent at independent financial manager ang nagpapatakbo nito.

Sinabi rin ni Pangulong Marcos na makabubuti kung hindi maimpluwensyahan ang politika ang pangangasiwa sa MIF upang magawa ang potensyal nitong lumago at makatulong sa pag-unlad ng bansa.

Ayon sa Pangulo pinanood nito ang mga pagdinig at debate sa Kongreso nang tinatalakay pa ang MIF at mayroon umanong mga nagmungkahi na isama ang Pangulo sa magpapatakbo nito.

“And immediately I removed… I said I’m not in favor of having in the original iteration, the President was the chairman of the (MIF). Sabi ko, ‘no, you remove us,’” ani Pangulong Marcos.

“Then, there was the Secretary of Finance, no. Because inevitably, if you put me or the Secretary of Finance in the decision-making loop, those decisions will be colored by political considerations and that must not be the case,” dagdag ng Pangulo.

Ayon sa RA 11954 ang Finance Secretary ay isa lamang ex-officio chairperson at hindi magpapatakbo ng Fund. Ang MIF ay pangangasiwaan ng Maharlika Investment Corporation (MIC) na pamumunuan ng isang Independent Director.

Upang magtagumpay ang Fund, sinabi ng Pangulo na dapat ilayo ito sa panghihimasok ng pulitika.

“Structurally, we removed the political decisions from the fund and those political decisions are left with the bureaucracy, the political bureaucracy, and the fund is left to be a fund and operating on a sound and proactive financial basis,” sabi pa ng Pangulo.

“The point being, as long as we manage it properly and I contend that we have some of the best economic managers both in government and in the private sector that we can count on to run this fund properly,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.