BBM

PBBM wala nang balak na PH bumalik na miyembro ng ICC

Chona Yu Oct 14, 2024
156 Views

WALA nang balak si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bumalik sa pagiging miyembro muli ng International Criminal Court ang Pilipinas.

Tugon ito ng Palasyo ng Malakanyang sa panawagan ni Attorney Krissy Conti, National Union of People’s Lawyers at ICC-accredited assistant counsel na isumite sa ICC ang investigation materials ng House of Representatives Quad Committee kaugnay sa imbestigasyon sa anti-drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pagdinig ng Quad Comm, sinabi ni dating PNP Colonel Royina Garma na nagpapahanap si Duterte ng isang opisyal na pulis na magsasagawa ng anti-drug operation ng kagaya sa Davao model operation na magbibigay ng pabuya sa mga makapapatay sa drug suspect.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi na mababago ang pasya ni Pangulong Marcos na tuluyang talikuran ang ICC.

“The Philippines will not return to ICC. Based on this, the president is not expected to change his mind and now refer the quadcom matter to the ICC,” pahayag ni Bersamin.

Taong 2019 nang kumalas ang Pilipinas sa ICC.