BBM

PBMM sa OCD:

Chona Yu Oct 31, 2024
27 Views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Office of the Civil Defense (OCD) na i-prioritize ang pagbibigay ng sapat na suplay ng potable water, pagkain, gamot at financial support sa mga biktima ng bagyong Kristine at Leon.

Ayon kay OCD Undersecretary Ariel Nepomuceno, bahagi ng presidential directive mandates na tiyakin na tuloy-tuloy ang distribusyon ng essential supplies para maiwasan ang disease outbreaks.

“Unang una, malinaw iyong bilin ni Presidente Bongbong Marcos at ni Secretary Teodoro, hindi nga bilin iyon eh, utos na malinaw na siguraduhing tuloy-tuloy ang kanilang inuming tubig at yung kanilang pagkain,” pahayag ni Nepomuceno.

“At pag kinakailangan, yung mga medical supplies, kailangan tuloy-tuloy iyan para maiwasan yung sakit,” pahayag ni Nepomuceno.

Pangako ni Nepomuceno, patuloy na susuportahan ng pamahalaan ang mga nasalanta ng bagyo.

“At yung pangangailangan nila na pagkumpuni ng bahay, gagawin natin iyan,

Pati yung mga pinansyal na pagtulong sa kanila dahil para mabigyan sila ng pagkakataon na bumili ng kanilang mga pangangailangan,” pahayag ni Nepomuceno.