BBM2

PBMM sa SFRA: Ipagpatuloy pagtulong sa mga nangangailangang Pilipino

128 Views

HINIMOK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Special Forces Regiment Airborne (SFRA) ng Philippine Army na patuloy na suportahan ang mga Pilipino sa panahon ng krisis.

Kasabay nito ay nangako naman ang Pangulo na susuportahan ang SFRA na nagdiwang ng kanilang ika-61 anibesaryo sa Fort Magsaysay sa Palayan City, Nueva Ecija.

Ayon sa Pangulo sususugan ng gobyerno ang Riverine Operations Equipment Project (ROEP) upang mapalakas ang kakayanan ng SFRA sa mga riverine operation nito.

Ang ROEP ay bahagi ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“On this note, we enjoin you to keep aiding fellow Filipinos by supporting them in times of crisis. Ensure their safety and well-being during operations and uphold the moral of the people that you serve,” ani Pangulong Marcos.

Kinilala rin ng Pangulo ang kahalagahan ng SFRA na nakapagpakita na umano ng kakayanan sa mga nakaraang operasyon nito.

“May you all continue to train and empower yourselves in maintaining your standing as experts of unconventional warfare strategies,” sabi pa ng Pangulo.

“From combating terrorist groups in the country to supporting peacekeeping operations overseas, we have demonstrated competence and professionalism even in the most challenging times,” dagdag ng Pangulo.

Dumalo rin sa pagdiriwang si National Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., Special Assistant to the President Sec. Anton Lagdameo at ilang pang miyembro ng Gabinete.