chess

PCAP playoff ticket nasungkit ng Tacloban

Ed Andaya Dec 2, 2022
366 Views

Quarterfinal pairings:

North — No.1 Pasig vs. No. 8 Rizal; No. 2 San Juan vs. No. 7 Cavite; No. 3 Laguna vs. No. 6 Isabela; No. 4 Manila vs. No. 5 Cagayan.

South — No.1 Davao vs. No. 8 Tacloban; No.2 Iloilo vs. No. 7 Camarines; No. 3 Negros vs. No. 6 Surigao; No. 4 Toledo vs. No. 5 Palawan

GINULAT ng Tacloban Vikings ang buong chess community matapos itala ang isang king-sized upset sa pagtatapos ng elimination round ng 2022 PCAP Open chess team championships.

Pinabagsak ng Tacloban, isa sa mga pinakabagong miyembro ng liga, ang early qualifier na Surigao Fianchetto Checkmates, 11-10, upang masungkit ang ika-walo at huling ticket sa quarterfinal round sa Southern Division.

Tumapos ang Vikings para sa two-way tie para sa eighth place kasama,ang Cebu Machers na may 11-22 win-loss record, subalit umabante sa playoff round dahil sa mas mataas na tiebreak score.

Ang Tacloban ay may 288.5 tiebreak points laban sa 265.5 points ng Cebu, na natalo sa Negros Kingsmen, 7-14, sa huling araw ng eliminasyon.

Matapos ang panalo, makakaharap ng Tacloban ang top seed na Davao Eagles sa two-game playoffs.

Dinurog ng Davao ang Cagayan de Oro, 14.5-6.5, upang sunggaban ang unang puwesto sa South hawak ang 31-2 win-loss record.

Sa iba pang round of eight matches sa South, magtutuos ang No. 2 Iloilo Kisela Knights (29-4) at No. 7 Camarines-Iriga Eagles (13-20); No. 3 Negros Kingsmen (28-5) at No. 6 Surigao Fianchetto

Checkmates (14-19); at No. 4 Toledo Trojans (23-10) at No. 5 Palawan Queen’s Gambits (15-18).

Sa Northern Division, maghaharap naman ang No. 1 Pasig Pirates (31-2) laban sa No. 8 Rizal Towers (14-19), defending champion at No. 2 San Juan Preadators (30-3) laban sa No. 7 Cavite

Spartans (15-18); No. 3 Laguna Heroes (24-9) laban sa Isabela Knights of Alexander (17-16); at No. 4 Manila Indios Bravos (23-10) laban sa No. 5 Cagayan Kings (18-15).

Ang nasabing kumpetisyon ay ino-organisa ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP), sa pamumuno nina President-Commissioner Atty.Paul Elauria at Chairman Michael Angelo Chua.

Major sponsors ng PCAP ang San Miguel Corporation, Ayala Land at PCWorx.