chess

PCAP Wesley So Cup susulong sa May 21

Ed Andaya May 19, 2022
495 Views

MAGBIBIGAY muli ng kaukulang pagpupugay sa kanyang mga kapwa players si super GM Wesley So sa gagawing pagbubukas 2022 PCAP Wesley So Cup (Second Conference) chess team championships sa darating na Sabado, Mayo 21.

Si So, na itinuturing na pinakamagaling na Filipino player bago siya lumipat sa United States nung 2014, ay magbibigay ng inspirational remarks sa 6 p.m. opening ceremony ng kumpetisyon na ipinangalan sa kanya.

Last year, binati ng Bacoor, Cavite-born world champion ang Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) sa paglulunsad ng kauna-unahang professional chess league sa bansa, at ang kanyang mga kapwa players sa patuloy na pagbibigay ng karangalan sa bansa.

Magbibigay din si Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham “Baham” Mitra ng kanyang inspirational message para sa mga kalahok.

Si PCAP Chairman Michael Angelo Chua ang maghahatid ng welcome remarks, habang si PCAP Commissioner-President Atty. Paul Elauria ang magbibigay ng closing speech.

Si IPCA world champion IM Sander Severino ang mangunguna naman sa oath of sportsmanship sa tournament na itinataguyod ng San Miguel Corporation, Ayala Land at PCWorx.
Itatampok din sa Sabado ang awarding ng trophies at prizes sa mga team at individual winners ng nakalipas na.PCAP All-Filipino Conference.

Ang mga ito ay ang:

San Juan Predators — Champion.

Iloilo Kisela Knights — First runner-up.

Pasig King Pirates — Second runner-up.

Davao Chess Eagles — Third runner-up.

Special awards naman ang ibibigay aa Best Player of the Conference at Finals MVP.

Ang mga laro ng second conference ay magsisimula ganap na ika-8 ng gabi, ayon kay Elauria.