PCFI pumalag sa panukalang pagbubuwag sa Party-List Group

Mar Rodriguez Feb 27, 2023
253 Views

BINIGYANG DIIN ngayon ng Party-List Coalition Foundation Inc. (PCFI) na mayroon ng inilabas na desisyon ang Supreme Court (SC) kaugnay sa usapin kung sino ang maaaring maupong kinatawan ng isang Party List organization sa Kamara de Representantes na kakatawan sa isang prtikular na sector.

Ipinaliwanag ni Overseas Filipino Workers (OFW) Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino na nagkaroon na ng desisyon ang Kataas-taasang Hukuman na sapat ng pamantayan ng Party List nominee para kumatawan sa isang sektor ng lipunan na nangangailangan ng kalinga.

Ayon kay Magsino, batay sa nasabing desisyon. Malinaw aniya na pinapanigan at kinakatigan ng SC ang layunin ng Saligang Batas partikular na ang isinasaad ng Party List Act na mabigyan ng boses sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga sektor ng lipunan na hindi gaanong napapansin.

“Paglaum vs COMELEC is inclusive because it upholds the right of Party List organizations who champion the causes of the poor and marginalized and of other sectors whose voices must be heard when Congress formulates laws and set national policies, programs and projects,” ayon naman kay AKO Bicol Party List Congressman Elizade Co.