Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
PCG

PCG nagpadala ng kadete sa US Coast Guard Academy

220 Views

TATLONG kadete ang ipinadala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa U.S. Coast Guard Academy (USCGA) sa New London, Connecticut.

Ipinadala sina Cadet Princess Kristel Carreon, Cadet Kirsten Heather Reyes, at Cadet Daniel Francis Sales bilang bahagi ng International Cadetship Program ng PCG.

Sila ay magiging bahagi ng USCGA Class of 2027.

Walo sa 300 estudyante para sa USCG Class of 2027 ay mga dayuhan na nagmula sa Pilipinas, Madagascar, Ecuador, Micronesia, at Panama.

Sa kanilang pagtatapos, ang tatlong tauhan ng PCG ay papasok sa Coast Guard service at bibigyan ng ranggong “Ensign” at kailangang magserbisyo ng hindi bababa sa walong taon.