Calendar
PCG-NY ginanap Saliksikan sa Boston: Filipinnovation through Research Beyond Borders forum

ANG Konsulado Heneral ng Pilipinas sa New York, sa pakikipagtulungan ng Saliksikan 3.0 Organizing Committee sa Greater Boston Area, ay nagdaos ng forum na pinamagatang “Saliksikan sa Boston: Filipinnovation through Research Beyond Borders” sa Richard A. at Susan F. Smith Campus Center, Harvard University sa Cambridge, Massachusetts.
Sinabi ni Acting Head of Post at Konsul Juan Carlos C. Borromeo kung paano ang Filipinnovation series, na unang nagsilbing plataporma ng Konsulado para sa mga batang propesyonal na Pilipino, ay umunlad at nagpapakita ng talento at kasanayan sa iba’t ibang sektor.
Ito ang unang pagkakataon na ginanap ang Filipinnovation serye sa labas ng New York City mula nang ilunsad ito noong 2024.
Naging mainit ang panel discussion na pinamunuan ni Dr. Janice Isabelle Lao, PhD isang Environmental Scientist at Global Head ng Helen of Troy.
Si Dr. Ricardo del Rosario, PhD (Senior Computational Biologist, Broad Institute ng MIT at Harvard) ay ibinahagi ang makabagong pananaliksik sa computational biology.
Tinalakay naman ang mga inobasyon sa larangan ng pampublikong kalusugan at healthcare ni Dr. Janine Patricia G. Robredo, MD, MBA, MSC (Research Scientist, Harvard TH Chan School of Public Health / Ariadne Labs).
Si Dr. Glen Andrew de Vera, PhD (Research Scientist, MIT) ay sinabi ang pag-aaral ukol sa kalidad ng tubig at mga nakalalasong kontaminante sa Laguna Lake.
Ibinida ni Jahmaine Renzo O. Yambing (Paleoclimate PhD Student, MIT-WHOI) – ang pagsusuri sa mga anyong-yelo sa mga kuweba sa Pilipinas at Vietnam upang maunawaan ang pattern ng ulan at habagat.
Binigyang-diin ni Borromeo na ang Filipinnovation ay patuloy na nagsisilbing tulay upang maipakita ang galing ng mga kababayan sa iba’t ibang larangan.

