PCG

PCG tutulungan ng Japan na magkaroon ng state-of-the-art satellite data communication system

200 Views

ISANG Exchange of Notes (E/N) ang nilagdaan ng ambassador ng Japan sa Pilipinas na si Koshikawa Kazuhiko upang magkaroon ang Philippine Coast Guard (PCG) ng state-of-the-art satellite data communication system.

Sa ilalim ng Official Development Assistance (ODA) ng Japan, maglalaan ito ng 1.1 bilyong yen (₱432 milyon) para sa pagbili ng PCG ng isang state-of-the-art Satellite Data Communication System.

Makatutulong umano ito para sa Maritime Domain Awareness (MDA) at maritime law enforcement capability ng PCG.

Sinaksihan ang pagpirma sa E/N nina Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Planning and Development Leonel Cray De Velez at PCG Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr.