PCO: Makiisa sa kick-off rally ng Bagong Pilipinas

Chona Yu Jan 23, 2024
97 Views

HINIKAYAT ng Presidential Communications Office (PCO) ang publiko na makiisa sa kick-off rally ng “Bagong Pilipinas” sa Quirino Grandstand sa Manila City sa Linggo, Enero 28.

Mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang dadalo sa kick-off.

“Halina at maging parte ng pagbabago para sa ating sarili, komunidad, at bayan,” saad ng PCO.

Layunin ng programa na ipakilala ang bagong administrasyon at ang mga isinusulong na mga programa tungo sa pagbabago at development.

Tampok sa aktibdiad ang mga government officials at ilang kilalang personalidad.

Pinayuhan naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasan ang Rizal Park at iba pang malapit na kalsada dahil sa asahan na ang matinding daloy ng trapiko.

Isasara ng MMDA ang kalsada mula Roxas Boulevard mula UN Avenue hanggang P. Burgos Avenue, M. Kalaw, Burgos Avenue, Orosa Street at Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang P. Burgos Avenue.