Hazel Mascariñas

PDP-Laban inendorso si Bongbong Marcos

333 Views

KAMAKAILAN lamang ay opisyal nang inendorso ng paksyon ni Presidente Rodrigo Duterte sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang presidential frontrunner para sa halalan 2022 na si Bgbong Marcos.

Umalingawngaw sa social media ang ginawang pag suporta ng Partido ni Pres. Rodrigo Duterte sa kandidatura ni Bongbong Marcos. Ito ay nang ihayag ng PDP-Laban ang kanilang pag-endorso sa anak ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon sa resolusyong inilabas ng PDP-Laban sa ilalim ng pamumuno ng Kalihim para sa Enerhiya na si Alfonso Cusi, si
Bongbong Marcos ang umani ng pinakamaraming pag-endorso mula sa mga lokal na konseho (local councils) ng PDP Laban. Kasama na riyan ang Ilocos Sur, La Union, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Zambales, Batangas, Laguna, Quezon, Rizal, Oriental Mindoro, Camarines Norte, Masbate, Aklan, Negros Occidental, Leyte, Southern Leyte, Zamboanga del Sur, Davao del Sur, North Cotabato, Caloocan City, Malabon City, Mandaluyong City, Pasay City, Paranaque City, San Juan City, Valenzuela City, Malolos City, Ormoc City, at San Pedro City.

Matatandaan na ang alkalde ng Davao City at kasalukuyang nangunguna sa pwesto ng pangalawang pangulo Inday Sara Duterte ang inendorso na bise-presidente ng naturang partidong pulitikal.

Nauna nang sinabi ng PDP-Laban na ieendorso nito ang kandidato sapagkapangulo na magpapatuloy sa mga
programang sinimulan ng administrasyong Duterte.

Ayon pa sa PDP Laban, suportado nila ang pangunahing adhikain ng tambalang Inday Sara-Bongbong para sa “Unity for Sustainability” para sa ikauunlad ng ating bansa.

Hazel Mascariñas