Matibag

PDP-Laban magsasagawa ng campaign rally para sa BBM-Sara UniTeam

219 Views

MAGSASAGAWA ng campaign rally ang Cusi wing ng Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) upang lalong palakasin ang suporta sa UniTeam nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at vice presidential aspirant Sara Duterte.

Ayon kay PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag mayroong tyansa na dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa campaign rally na isasagawa ng kanilang partido.

Si Matibay ay itinalaga kamakailan ni Pangulong Duterte bilang kanyang Cabinet Secretary.

“Nag meeting sila…ah kasama ko si Secretary Alfonso Cusi as president of the party na magkakaron ng mga rally ang PDP-Laban kung sakaling imbitado na si BBM (Bongbong Marcos) at si Mayor Inday Sara,” sabi ni Matibag na dumalo sa rally ng UniTeam sa Biñan, Laguna.

Sa inisyal na plano, sinabi ni Matibag na magsasagawa ng campaign rally ang PDP-Laban sa Bulacan, Parañaque, at Nueva Ecija. Umaasa umano si Matibag na dadala rito ang Pangulo.

Bagamat wala pang kandidato sa pagkapangulo na iniendorso si Pangulong Duterte nauna ng nagsabi ang PDP-Laban na sinususportahan nito si Marcos at Mayor Duterte.

Ang PDP-Laban ang partido ni Duterte ng tumakbo ito sa pagkapangulo noong 2016.