Martin

PDP-Laban todo suporta kay Romualdez bilang susunod na Speaker

Mar Rodriguez May 20, 2022
263 Views

KINUMPIRMA ng mga kongresista na kasapi ng PDP-Laban ang kanilang pagsuporta kay House Majority Leader at Leyte 1st Dist. Rep. Martin G. Romualdez bilang susunod na House Speaker para sa papasok na 19th Congress. Sa ilalim ng administrasyon ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ang pagpapahayag ng suporta ng PDP-Laban para kay Romualdez ay pinangunahan mismo ng Presidente ng partido na si Energy Sec. Alfonso Cusi. Sa pamamagitan ng isang “lunch meeting” na ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel na inisponsoran ni Bulacan Rep. Rida Robes.

Nauna rito, ipinahayag na ng PDP-Laban ang kanilang solidong suporta kay Romualdez bilang susunod na House Speaker sa pamamagitan ng isang “statement” o kalatas na inilabas ng nasabing partido noong nakaraang Sabado.

Pinasalamatan naman ni Romualdez ang PDP-Laban dahil sa pagpapahayag ng kanilang suporta para sa napipintong pagluklok sa kaniya bilang susunod na House Speaker ng 19th Congress.

“I would like to express my most sincere gratitude to my colleagues. Your gesture today (Thursday) will strengthen our efforts to unify the House and the people we all represent behind the incoming administration of presumptive President Bongbong Marcos,” sabi ni Romualdez.

Binigyang diin naman ni Romualdez na ipa-prayoridad ng susunod na 19th Congress ang pagpasa at pagsasabatas ng mga “legislative agenda” ng administrasyong Marcos.

“More importantly, we are trying to ensure that the priority legislation of the incoming President, President-elect BBM will be aided and supported with measures that will allow him to pursue his agenda for the people,” ayon pa kay Romualdez.

Sinabi pa ni Romualdez na: “The next Congress is eyeing the passage of Bayanihan-type of legislation to be called Bayan Bangon Muli (BBM) and resetting of the scheduled December barangay elections to save P8 billion that can be used to fight the pandemic”.

“Isa po sa hinaing (ang resetting of barangay polls) ng barangay chairpersons na na-met natin sa Liga ng mga Barangays, so we shall consider that,” sabi pa ni Romualdez.