Leni

Pekeng P500 ipinangbudol sa mga Leni supporter sa Cavite

Nelo Javier Mar 17, 2022
241 Views

HIMAS rehas ngayon ang isang 38-anyos na tagasuporta ni Leni Robredo mula sa lalawigan ng Cavite matapos magtangkang magbayad gamit ang pekeng P500 na kanyang nakuha sa rally ni Robredo kamakailan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis sa bayan ng Imus, nahuli ang lalaking supporter ni Robredo sa isang convenience store sa kahabaan ng Aguinaldo Highway matapos itimbre ng kahera ng nasabing establisimyento.

Umamin ang lalaki na kasama ang pera sa natanggap niyang bayad mula sa mga organizers ng rally ni Robredo sa General Trias City, Cavite.

Matatandaan na sinabi ng kampo ni Robredo na umabot sa 50,000 katao ang pumunta sa nasabing campaign rally ngunit binatikos ng mga netizens matapos kumalat ang mga litrato sa social media na pinasusungalingan ang sinabi nila Robredo.

Dagdag pa ng lalaki na nalamang nakatira sa isang resettlement site sa bayan ng Laguna, maliban sa bayad na P500, sagot rin ang transportasyon at pagkain ng mga hinakot mula sa kanilang lugar.

Mangiyak-ngiyak rin ang lalaki habang nakikiusap sa manager ng convenience store na aregluhin na lamang ang kanyang naging asunto.

Ayon pa sa lalaki, pinagsisisihan niya ang pagpayag na sumama sa rally ni Robredo at nagbabala sa mga tao na huwag tularan ang kanyang ginawa.

Kaugnay nito, mismong si Pangulong Duterte ang nagkumpirma na namumuo ang isang alyansa sa pagitan ng kampo ni Robredo at teroristang grupong CPP-NPA upang guluhin ang paparating na eleksiyon.

Ayon pa sa mga ulat, magsasagawa na rin ng isang malawakang imbestigasyon ang PNP upang makumpirma ang ugnayang Robredo-CPP-NPA.

Nauna rito, sinabi ni presidential bet Sen. Ping Lacson na napasok na ng komunistang grupo ang kampo ni Robredo matapos mamataan sa kanilang rally sa Cavite ang mga operatiba ng CPP-NPA na binayaran rin ng P500.