Fake

Pekeng pera nasamsam sa babae

19 Views

Batangas1

KAMPO HENERAL MALVAR–Tiklo noong Martes ang isang 40-anyos na babae na kabilang sa listahan ng Regional Most Wanted Person matapos ikasa ang manhunt sa Brgy. Poblacion B, Rosario, Batangas.

Si alyas Alicia, ng Brgy. Aya, San Jose, Batangas, ay naaresto ng mga kapulisan ng Batangas sa pamumuno ni PCol. Oliver Ebora, Provincial Director, at ng mga tauhan ng Ibaan Municipal Police Station, sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas noong Setyembre 29, 2026 ng Regional Trial Court (RTC) Branch 2 ng Batangas City para sa kasong paglabag sa RA 7653 o The New Central Bank Act (mga ilegal na gawaing may kinalaman sa pananalapi tulad ng pagpapakalat ng pekeng pera).

Inirekomenda ng korte ang piyansa na nagkakahalaga ng P600,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Siniguro naman ng mga tauhan ng Ibaan Municipal Police na maayos at ayon sa batas ang pag-aresto gamit ang dalawang body-worn camera.

Binasahan ang suspek ng kanyang Miranda Rights at Anti-Torture Act rights.

Kasalukuyang nakakulong si Alicia sa piitang bayan ng Rosario police.