BBM Sumusumpa bilang bagong presiding CA justice kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Associate Justice Fernand Lampas-Peralta.

Peralta itinalagang bagong Court of Appeals justice ni PBBM

Chona Yu Nov 19, 2024
46 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Associate Justice Fernand Lampas-Peralta bilang presiding justice ng Court of Appeals.

Nanumpa si Peralta kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang.

Si Peralta ay asawa ni retired Chief Justice Diosdado Peralta na naging CA Associate Justice sa mahigit 20 taon.

Nagsilbi na si Peralta bilang acting presiding justice ng appleate court simula nang magretiro si Presiding Justice Remedios Salazar Fernando noong Setyembre 2023.