Barbers

Perang ibinabayad sa mga trolls galing sa drug money, POGO — Barbers

Mar Rodriguez Nov 27, 2024
8 Views

Barbers1ISINIWALAT ng lead chairman ng Quad Committee ng Kamara de Representantes na si Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace S. Barbers na ang perang ibinabayad sa mga “trolls” upang magpakalat ng mga paninira, panlilibak at pagpapakalat ng mga fake news laban sa mga miyembro ng naturang Komite ay galing sa illegal drug trade (drug money) at illegal na operasyon ng Philippins Offshore Gaming Operators (POGO).

Ito ang nilalaman ng opening statement ni Barbers, chairman din ng House Committee on Dangerous Dugs sa ika-12 na pagdinig ng House Quad Comm kung saan sinabi nito na kaya nagpapatuloy ang walang pakundangang paninira ng mga trolls sa social media laban sa mga kasapi ng Komite ay dahil sila ay sustentado ng ilang matataas na personalidad sa pamamagitan ng drug money at pera naman mula sa POGO.

Sabi ni Barbers na halatang-halata aniya na inaalagaan ng mga matataas at kilalang personalidad ang mga trolls para magpakalat din ng mga paninira laban sa mga resource persons na humaharap sa pagdinig ng House Quad Comm para magbigay ng kanilang testimonya patungkol sa mga isyu na iniimbestigahan ng komite kabilang na dito ang Extra-Judicial Killings (EJK), madugo at brutal na war-on-drugs campaign at illegal na operasyon ng POGO sa bansa.

Pagdidiin ni Barbers na ang pangunahing puntirya at objektiba ng mga trolls ay upang sirain ang kredebilidad ng mga testigo o resource persons upang magkaroon ng agam-agam at pagdududa ang publiko sa imbestigasyon ng Quad Comm at palitawin na ang isinasagawa nitong pagdinig ay “politically motivated” laban sa mga taong nasasangkot lalo na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Agon sa kongresista, hindi barya ang salaping ibinabayad umano sa mga trolls ng mga malalaki at kilalang personalidad sapagkat maaaring kinakabahan na ang mga ito dahil unti-unti nang nalalantad ang tunay na kaugnayan nila sa illegal drug trade at illegal POGO operation.

“Napakarami na pong nakita at nadiskubre ang Quad Comm. Kung kaya naman pilit itong binabatikos at minamaliit ng mga natatamaan. Patuloy ang paninira ng mga trolls na bayad ng POGO at drug money, sa mga miyembro at mga taong tumetestigo rito. Kataka-taka na napakalaki ng puhunan na umiikot sa mga trolls na halatang inaalagaan ng mga nasasaktan sa mga bagay na nauungkat sa mga pagdinig natin dito. Kabilang na marahil ang mga malalaking pangalan sa illegal na droga at POGO,” wika ni Barbers.

Kasabay nito, nilinaw din ng Mindanao solon na ang House Quad Comm ay binuo sa pamamagitan ng House Resolution na isinulong at inakda ni House Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd Dist. Cong. Aurelio “Dong” Gonzales na nauna ng nagpa-imbestiga sa 560 kilos ng shabu na ipinuslit sa Subic Port na dinala naman sa Distrito ni Gonzales sa Mexico, Pampanga.

Pagdidiin ni Barbers na sa isinagawang imbestigasyon ng kaniyang Komite kabilang na ang House Committee on Public Accounts, dito aniya nila natuklasan ang relasyon at pagkaka-ugnay ng illegal na droga sa mga dayuhang Intsik na illegal na bumibili ng lupain sa Pilipinas. Kung kaya’y minabuti na nilang pag-isahin ang mga pagdinig ng apat na Komite patungkol sa mga magkaka-ugnay sa issue.

Ang Quadcom ay binuo sa pamamagitan ng isang resolusyon na katha ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, na syang orihinal din na nagpa imbestiga sa 560 kilos na shabu na ipinuslit sa Subic port at dinala sa kanyang nasasakupang distrito sa Mexico, Pampanga. Sa una ay inimbistigahan ito ng dalawang komite, ang Dangerous Drugs Committee at ang Public Accounts. Dito nakita and relasyon at pagkaka ugnay ng mga droga sa mga dayuhan na iligal na bumibili ng mga lupain sa ating bayan. Kung kaya’t minabuti na pag-isahin ang mga pandinig ng apat na komite sa mga nadiskubreng mga kaugnayan,” dagdag pa ni Barbers.