Calendar

Pergalan naglipana
MATAPOS i-ban ng gobyerno ang POGO at e-sabong, may panawagan naman ngayon na ipagbawal na rin ng tuluyan ang online gambling.
Hindi naman pabor ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) dahil dito nakakalikom ng halos P100 bilyon kada taon ang gobyerno sa pamamagitan ng buwis bukod sa nagbibigay pa ng trabaho sa may 32,000, kaya mas nararapat lang daw na higpitan na lang ang regulasyon at gumawa ng mga hakbang upang masawata ang pagkahumaling dito ng mga menor-de-edad.
Kung tutusin, mas marami pa ngang mga batang mag-aaral ang na-aadik sa sugal-lupa tulad ng numbers game, drop ball, roleda at iba pa na nakikita sa loob ng mga peryahan o mini-carnival kumpara sa online gambling na kailangan ng internet at e-wallet
Yung iba nga, pati baon nila pagpasok sa eskuwela ay itinataya pa lalu na’t nakikita nilang dinudumog ng mga mananaya ang iba’t-ibang uri ng ilegal na sugal sa pinapasyalan nilang mini carnival tulad na lang sa lalawigan ng Laguna.
Isang katerba na kasi ang dinatnang pergalan sa lalawigan ng bagong upong Director ng Police Region 4-A P/BGen. Jack Wanky tulad sa Bayan ng Siniloa, población ng Pangil, Wawa Park sa Paete, Brgy. San Antonio at Longos sa Kalayaan, plaza sa Sta Cruz, maging sa Pila at highway Bay na ino-operate ng mga may alyas na “Taguro”, “Jervie”, “Marvin” at “Tessie”.
Maging ang mga peryahan sa baywalk, Palo Alto, at Paciano Highway sa Calamba, Bayan ng Sta Maria, Banlic, El Sol, Brgy. Marinig sa Cabuyao, at Tram Plaza sa Sta Rosa ay siningitan na rin ng iba’t-ibang uri ng numbers game nina alyas “Nelly”, “Anna”, “Judith”, “Ronnie”, “Fe”, “ “Adrian”, at Rommel habang sina alyas “Judith, “Bunso”, at “Nelma” ay pumuwesto na rin sa Brgy. Timbao, Sto Domingo sa Binan, Landayan at Brgy, Langgam sa San Pedro.
Namutiktik sa dami ang mga pergalan sa Laguna dahil isang katerba rin pala ang nagbibigay umano sa kanila ng proteksiyon tulad nina alyas “Kevin”, alyas “Adlawan”, “Sandoval”, “Andy”, “Jack”, “Hero”, “Minyong” at “Francis” na kadalasan daw ay nagkakaselosan pa sa koleksyon ng tara.
Okada Foundation, namahagi ng P130M halaga ng medical equipment
LUMAGDA sa isang kasunduan ang Okada Foundation Inc. (OFI) at Pamahalaang Lungsod ng Navotas para sa pagbibigay ng P130 milyong halaga ng medical equipment sa Navotas City Hospital
Kumatawan si Vice Mayor Tito Sanchez kay Mayor John Rey Tiangco sa paglagda sa pagitan nila ni James Lorenzana, Pangulo ng OFI habang nagsilbi namang testigo sina Congressman Toby Tiangco at Mitsukazu Nakata, ang Trustee ng foundation.
Naisakatuparan ang kasunduan sa tulong ng maybahay ni Cong, Toby na si Michelle na siyang nakipag-usap sa OFI para sa pagkakaloob ng donasyon sa kaunaunahang pampublikong pagamutan sa lungsod na naitayo noon pang 2015.
Lubos ang pasasalamat nina Mayor John Rey at Cong. Toby Tiangco sa OFI na naniwala sa kanilang pagnanais na mabigyan ng maaasahan at makabagong paraan ng pangangalaga sa kalusugan ng mga Navoteños.
Sa puna, komento at suhestiyon, mag-text lang sa 0923-347-8363 o mag-email sa eddreyes2006@yahoo.com