Revilla

Permanent validity ng birth, death, marriage certificate batas na

251 Views

ISA ng ganap na batas ang panukala upang maging permanente ang validity ng birth, death, at marriage certificate na ibinibigay ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay Sen. Ramon Bong Revilla Jr. naging batas na ang panukala noong Agosto 1, isang buwan matapos itong ipadala ng Kongreso sa Malacañang.

Sinabi ni Revilla na ang panalo sa batas na ito ay ang bawat Pilipino na hindi na kailangang pang paulit-ulit na gumastos sa pagkuha ng birth, death, at marriage certificate.

Mayroong mga ahensya at pribadong institusyon na hindi tumatanggap ng lumang kopya o kopya na kinuha mahigit anim na buwan na ang nakakaraan bago ipinasa kaya inaprubahan sa Kongreso ang panukala.

Sa bagong batas ay tatanggapin din kahit na ang mga certificate na mula sa National Statistics Office (NSO) ang pinalitan ng PSA.