Calendar
Permanenteng evac centers isinusulong
NANANAWAGAN si House Assistant Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Cong. Patrick Michael “PM” D. Vargas sa mga kapwa nito kongresista para maisabatas ang panukalang batas nito na nagtatatag ng permanenteng evacuation centers sa lahat ng Siyudad at Munisipalidad sa bansa.
Pagkatapos mangyari ang nakagigimbal na 6.8 magnitude na lindol na yumanig sa lalawigan ng Saranggani, Davao Oriental noong nakaraang linggo. Muling binigyang diin ni Vargas ang pangangailangan na maisabatas sa lalong madaling panahon ang isinulong nitong panukala.
Sinabi ni Vargas na layunin ng kaniyang panukalang batas na magkaroon ng isang “long-term sustainable solution” para bansa. Sa pamamagitan ng pagtatatag o pagkakaroon ng permanenteng evacuation centers sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas bilang paghahanda sa pagsalanta ng isang sakuna.
Hinihikayat din ni Vargas ang Senado para magsulong ng “counterpart measure” para sa agarang pagsasabatas ng nasabing panukala. Kung saan, ipinahayag ng mambabatas ang tinatawag na “urgency” ng panukalang batas matapos itong mai-transmit sa Senado mula pa noong March, 2023.
“It is the hope of this measure to provide long-term sustainable solutions to our country. Which is heavily affected by natural disasters without compromising the lives and welfare of affected civilians,” paliwanag ni Vargas.
Ipinaalala ng Quezon City solon na noong panahon ng kaniyang nakatatandang kapatid na si dating QC Cong. Alfred Vargas sa ilalim ng 18th Congress. Ang nasabing panukalang batas ay nakalikom ng tinagtawag na “overwhelming” na suporta mula sa mga kongresista bagama’t hindi na nakarating sa Senado.
“If passed into law, this step will minimize the disruption experienced regularly by our people during calamities particularly public schools which serve as default evacuation centers. We should do away with the practice of using school facilities as evacuation centers,” sabi pa ni Vargas.