Calendar
Personalidad na nagkanlong kay Quiboloy dapat kasuhan ng DILG – Valeriano
๐๐๐๐ก๐๐๐ง ๐ป๐ถ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฅ๐ผ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ “๐๐ฅ๐ฉ” ๐ . ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ผ๐ฟ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ (๐๐๐๐) ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ฏ๐๐๐ถ๐๐ถ๐ถ๐ป ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฏ๐๐๐ถ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐บ๐ฏ๐ฒ๐๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ผ๐๐ถ๐ฏ๐น๐ฒ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐๐ถ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ ๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ป๐ถ ๐๐ถ๐ป๐ด๐ฑ๐ผ๐บ ๐ผ๐ณ ๐๐ฒ๐๐๐ ๐๐ต๐ฟ๐ถ๐๐ (๐๐ข๐๐) ๐ฃ๐ฎ๐๐๐ผ๐ฟ ๐๐ฝ๐ผ๐น๐น๐ผ ๐. ๐ค๐๐ถ๐ฏ๐ผ๐น๐ผ๐.
Binigyang diin ni Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na hindi dapat palampasin ni DILG Sec. Benhur Abalos ang mga kilalang personalidad na pinaniniwalaang nagkanlong kay Quiboloy upang pagtaguan nito ang batas sa loob ng anim na buwan.
Paliwanag ni Valeriano na matapos ang ginawang pagsuko ni Quiboloy dapat simulan na rin ng pamunuan ng DILG ang pagsasampa ng kasong “obstruction of justice” laban sa mga di-umano’y kaalyado ni Quiboloy na posibleng nagbigay sa kaniya ng proteksiyon kasabay ng pagtanggi nilang makipag-kooperasyon sa mga awtoridad na tumutugis sa wanted na lider ng KOJC.
Kinakatigan din ng kongresista ang pananaw ng mga kapwa nito mambabatas na posibleng maharap din sa hukuman o masampahan ng kaso si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte bunsod ng umano’y pagkakanlong nito sa puganteng si Quiboloy na tumatayong “spiritual adviser” ng dating Punong Ehekutibo.
Muling pagdidiin ni Valeriano na dapat maipakita ng DILG na, “No one is above the law” kahit na ang nasasangkot ay dati pang mataas na opisyal ng pamahalaan upang maipakita sa mga mamamayan na walang kinikilingan ang batas.