Cambodia

PH, Cambodia nagkasundong palakasin ang ugnayan

Chona Yu Feb 11, 2025
11 Views

NAGKASUNDO sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Cambodian Prime Minister Hun Manet na palakasin pa ang ugnayan ng dalawang bansa sa sektor ng agrikultura, edukasyon, kalakalan at iba pang investments.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa bilateral.meeting kay Manet sa Palasyo ng Malakanyang.

Nasa bansa si Munet para sa isang state visit.

Tinukoy ng Pangulo ang ibat ibang cooperation agreements na nilagdaan ng dalawang bansa partikular na sa trade and investment, agriculture, education, tourism, at communications.

Kabilang na rito ang Agreement on the Elimination of Double Taxation na nagpapahirap sa mga investors.

“I also note that our two sides have signified their intention to exchange information on strategies and practices in investment promotion and in attracting investments,” pahayag ni Marcos.

Kinilala rin ni Pangulong Marcos ang Cambodia bilang mahalagang partner para sa food security sa Pilipinas.

Kabilang sa mga nilagdaan ang: Memorandum of Understanding on Information and Communications Technology (ICT) and Government Digital Transformation, Memorandum of Understanding on Agricultural and Agribusiness Cooperation, Memorandum of Understanding on Implementation of Competition Law, Memorandum of Understanding on Technical Vocational Education and Training.

Nilagdaan din ang MOU sa Tourism Cooperation, Prevention of Looting and Illicit Trafficking of Cultural Properties at Memorandum of Intent sa Board of Investments and the Council for the Development of Cambodia on Investment Promotions.