Into nagpakitang gilas sa WBC Boxing Grand Prix
Apr 21, 2025
Milo Sports Clinics tampok sa PSA Forum
Apr 21, 2025
Taliba sports editor Andaya pinarangalan ng PBA
Apr 21, 2025
Calendar

Nation
PH, China handa magkaisa vs organisadong krimen
Chona Yu
Jul 2, 2024
157
Views
NAGKASUNDO ang Pilipinas at China na palakasin ang paglaban sa transnational crimes.
Nagkasundo ang dalawang bansa matapos ang ginawang pagpupulong nina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at Executive Secretary Lucas Bersamin, chairman ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC),
Handa ang dalawang bansa na magkaisa at paigtingin ang ugnayan sa pagpapatupad ng batas para labanan ang mga organisadong krimen.
Ikinatuwa naman ng China ang naging hakbang ng mga awtoridad ng Pilipinas para labanan ang illegal offshore gambling at pag rescue sa mga Chinese nationals.
Nabatid na patuloy na nakikipag-ugnayan ang Chinese Embassy sa kanilang counterparts sa Pilipinas sa kabuuan ng proseso.
Pinapakita aniya ang mutual support na ito ang determinasyon ng parehong bansa na labanan ang transnational organized crime.
Ang pinaigting na kooperasyon sa pagitan ng China at Pilipinas ay nagpapadala ng malinaw na mensahe sa mga kriminal na sindikato na gumagawa ng katiwalian at krimen sa mga bansa ay hindi pinapayagan .
Sa pagitan din nito ay nagbibibay ng daan ito para sa pagpapakitan ng kaalaman, pagbabahagi ng impormasyon at mga pagsasama-sama na nagbibibgay ng kakayahan sa mga awtoridad na wasakin ang mga criminal network.