vietnam

PH delegasyon sa DGICM sa Vietnam pinangunahan ni BI chief Tansingco

Jun I Legaspi Aug 19, 2024
76 Views

PINANGUNAHAN ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang delegasyon ng Pilipinas sa 27th ASEAN Directors-General of Immigration Departments and Heads of Consular Affairs Divisions of Ministries of Foreign Affairs Meeting (DGICM), na ginanap sa Nha Trang , Vietnam noong Agosto 12-16, 2024.

Ang DGICM ay isang mahalagang taunang pagtitipon kung saan ang mga pinuno mula sa mga miyembrong estado ng ASEAN, Dialogue Partners, at mga tagamasid sa rehiyon ay nagpupulong upang talakayin at isulong ang kooperasyon sa imigrasyon at mga gawaing konsulado.

Kasama sa mga pagpupulong ngayong taon ang mga konsultasyon sa Australia gayundin sa Japan, China, at South Korea, na sumasaklaw sa malawak na spectrum ng pamamahala sa hangganan at mga isyu sa imigrasyon.

Nauna rito, inagkaroon ng serye ng mga working group meeting noong Agosto 13.

Kabilang dito ang 7th ASEAN Heads of Major Immigration Checkpoints Forum (AMICF), ang 3rd Heads of Specialist Unit (HSU) on People Smuggling, at ang 19th ASEAN Immigration Intelligence Forum (AIIF).

Nakatuon ang mga talakayan sa mga in-demand na usapin, pinakamahusay na kagawian, at potensyal na pakikipagtulungan upang mapahusay ang seguridad at kahusayan sa rehiyon sa paghawak ng mga usapin sa imigrasyon at konsulado.

Ibinahagi naman ng mga opisyal ng BI ang mga usapin sa iligal na migration at human trafficking, kabilang ang mga biktima na pinahirapan at pinilit na magtrabaho bilang love at crypto scammers ng kanilang recruiter, pekeng pilgrims, mail order bride, illegal surrogacy, at ilegal na pakikipagtalik.

Iniulat din ng BI ang pagtaas ng mga pagtatangkang makapasok sa mga sex offenders at sex tourist sa bansa.

Binigyang-diin ni Tansingco ang kahalagahan ng summit.

“Our participation in the annual DGICM highlights our commitment to strengthening regional cooperation and sharing valuable insights on border management and immigration challenges,” saad ni Tansingco.

“This forum is an essential platform for aligning our practices with international standards and fostering collaboration among ASEAN nations. By engaging in these discussions, we aim to refine our strategies and enhance our capabilities to address emerging issues effectively,” dagdag ng opisyal.