Calendar

PH Embassy ipinakita na DFA may dedikasyon, professional
May kasamang ulat ni Chona Yu
PINURI ng Senado nitong Huwebes (Marso 13) ang Philippine Embassy sa The Hague para sa maayos nitong pagbibigay ng tulong konsular kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang pagdating sa Netherlands.
Kinilala ng pinuno ng Senado ang maagap na hakbang ng Embahada, kabilang ang pagbibigay ng kasuotang panlamig, care packages, at suporta sa paglalakbay para sa dating Pangulo at sa kanyang delegasyon, bilang patunay sa walang humpay na dedikasyon at propesyonalismo ng Department of Foreign Affairs (DFA).
“The Philippine Embassy in The Hague has exemplified the highest standards of service and compassion in ensuring the welfare of our kababayan abroad, regardless of their circumstances,” ani Senate President Chiz Escudero. “Their swift and thoughtful actions reflect the values we hold dear as a nation—care, respect, and solidarity.”
Nagpahayag din ng pasasalamat ang Senado kay Ambassador Jose Eduardo Malaya III at sa lahat ng masisipag na kawani ng Embahada na sama-samang kumilos upang matiyak ang kagalingan ng dating Pangulo at ng kanyang delegasyon.
“The Embassy’s commitment to safeguarding the dignity and well-being of every Filipino is truly commendable. From attending to logistical details to liaising with Dutch authorities, their unwavering service exemplifies the Filipino spirit of bayanihan. I extend my gratitude to Ambassador Malaya and the entire Philippine mission for their unwavering dedication,” dagdag niya.
Iginiit din ng mambabatas mula sa Bicol ang kahalagahan ng patuloy na suporta para sa DFA at sa mga misyon nito sa ibang bansa, dahil sa mahalagang papel ng mga ito sa pangangalaga sa mga karapatan at kapakanan ng mga Pilipino sa buong mundo.