Carolina

PH Embassy sa Washington D.C. nagsagawa ng consular outreach mission sa North Carolina

96 Views

Carolina1Carolina2

DINAYO kamakailan ng mga Pilipino sa North Carolina ang consular outreach mission ng embahada ng Pilipinas sa Washington DC sa Raleigh-Durham.

Pinangunahan ni Consul General Zoilo A. Velasco ang five-man team ng embahada sa matagumpay na dalawang araw na serbisyo.

Ito ang kauna-unahang pagbabalik ng grupo sa Raleigh mula pa noong 2018.

Sa ginanap na mission, 299 na passport applications ang naiproseso, 78 Pinoy ang nag-oath para sa dual citizenship, 96 na overseas voters ang nakapag-rehistro para sa 2028 elections, 11 dokumento ang na-notaryuhan, isang report of marriage at tatlong report of birth ang nairehistro.

Naging mabilis at maayos ang serbisyo sa tulong ng Philippine Nurses Association (PNA)-triad of North Carolina at PNA of North Carolina.

Para sa mga susunod na outreach mission at iba pang serbisyo, bisitahin lang ang philippineembassy-dc.org o mag-email sa consular@phembassy-us.org.