DFA DFA Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Ma. Theresa Lazaro (left) ang nagco-chair ng 4th Philippines-France Political Consultations kay Director for Asia and Oceania Benoît Guidée (right) ng French Ministry for Europe and Foreign Affairs asa DFA’s Double Dragon Tower office sa Pasay City.

PH, France nagsagawa ng ika-4th na political consultation

Chona Yu Mar 19, 2025
17 Views

NAGSAGAWA ng ika-apat na political consuktation ang Pilipinas at France.

Ito ay para talakayin ang estado ng bilateral relations ng dalawang bansa partikular na sa trade and investment, energy, health, climate change, science and technology, defense, at people-to-people exchanges.

Nanguna sa konsultasyon sa hanay ng Pilipinas si Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Ma. Theresa Lazaro habang si Director for Asia and Oceania Benoît Guidée naman sa hanay ng France’s Ministry for Europe and Foreign Affairs.

Binigyang diin ng dalawang opisyal ang pagbisita sa bansa ng French aircraft carrier Charles de Gaulle noong February 2025 na nagpapatunay na lumalalim na ang defense cooperation ng Pilipinas at France.

Tinalakay din ng dalawang opisyal ang increasing frequency ng high-level visits at engagements sa pagitan ng Pililinas at France.

Nagkasundo ang dalawang opisyal na palakasin pa ito aa gitna ng pagbubukas muli ng direct flights sa pagitan ng Manila at Paris.

Tinalakay din ng dalawang opisyal ang mas maigting na kolaborasyon sa mga isyu na may kinalaman sa mutual interest at benefit.

Nangako rin ang France ng patuloy na supprta sa komorehensibo, balanse at modernong PH-EU Free Trade Agreement (FTA).

Paiigitingin din ng dalawang bansa ang kooperasyon sa infrastructure, maritime affairs, at environment.

Tinalakay din ng dalawang opisyak ang developments sa West Philippine Sea, ASEAN, Ukraine, at Middle East.