BBM4

PH hinimok ang S. Korea na makipagtulungan para sa ikauunlad ng Pinoy, Koreano

Chona Yu Oct 7, 2024
81 Views

HINIMOK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si South Korean President Yoon Suk Yeol na makipag tulungan sa Pilipinas sa pagtaguyod ng rules-based international order na nakaangkla sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 Arbitral Award.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa bilateral meeting sa South Korean President sa Malakanyang. “This idea must be as concrete as the foundation from which our bilateral relationships stand.

As the geopolitical environment is only becoming more complex, we must work together to achieve prosperity for our peoples and to promote a rules-based order governed by international law, including the 1982 UNCLOS and the binding 2016 Arbitral Award,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Hindi maikakaila, ayon kay Pangulong Marcos, na malakas ang relasyon ngayon ng Pilipinas at Korea. ”From here, there is nowhere else to go but up,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Una ng nabahala ang South Korea sa pagiging agresibo ng China sa South China Sea. Pinasalamatan ni Pangulong Marcos na pinaunlakan ni Yoon ang imbitasyon na bumisita sa Pilipinas.

“So, I look forward that your visit will bring a very meaningful meeting between our two countries, not only on the political level but on the levels of the other sectors such as trade, defense and security and whatever else you and I will be able to identify as areas we should explore,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nagpasalamat si Yoon kay Pangulong Marcos.