ASEAN

PH, Indonesia pinalawak estratehiya para sa mas malakas na ASEAN

22 Views

ASEAN1

NAGPULONG ang mga konsulado ng Pilipinas at Indonesia upang balangkasin ang mga estratehiya na nagpapalawak sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa labas ng rehiyon.

Tinalakay ng dalawang bansa ang pagtatatag ng nasyon na may pagkakaisa at mas malawak na paggamit ng ASEAN branding.

Kabilang sa mga plano ang paglulunsad ng mga magkasanib na aktibidad kasama ang iba pang konsulado ng mga kasaping bansa ng ASEAN na nakabase sa San Francisco, partikular ang Singapore at Vietnam.

Binigyang-diin ng mga opisyal ng Pilipinas at Indonesia na ang hakbang na ito ay patunay na ang pagkakaisa ng rehiyon ay nananatiling matatag, maging sa labas ng Timog-Silangang Asya.

Ang Pilipinas, na kasalukuyang tumatayo bilang Pangulo ng ASEAN, ay nakatutok sa tatlong pangunahing prayoridad: kapayapaan at seguridad, kasaganaan sa ekonomiya at pagpapalakas sa kapasidad ng mamamayan.

Ang ASEAN ay itinatag noong August 1967 na may layuning itaguyod ang kapayapaan, pagkakaibigan at kooperasyon sa rehiyon.