Arnel

PH magsisimula ng mag-export ng durian sa China

307 Views

INIULAT ng Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry (DA-BPI) na simula sa Marso ay mage-export na ang Pilipinas ng Durian sa China.

Ipinabatid ni DA Assistant Secretary Arnel De Mesa kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang impormasyong ito sa isinagawang Private Sector Advisory Council (PSAC) sa Malacañang.

Ang pag-export ng durian ay bahagi ng kasunduang nasungkit ng Pangulo ng bumisita ito sa China kamakailan.

Sinabi ni De Mesa na 7,500 metriko tonelada ng durian ang nakahanda na para ipadala sa iba’t ibang bansa sa Asya. Galing umano ito sa 59 magsasaka at producer sa bansa.

Sa pagpunta ng Pangulo sa China, napagkasunduan ang protocol para sa phytosanitary requirements ng mga durian.

Sa Davao region nanggagaling ang 78 porsyento ng suplay ng durian sa bansa.